^

Metro

Abalos, Belmonte nanguna sa clearing ops sa Balintawak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Abalos, Belmonte nanguna sa clearing ops sa Balintawak
Mga basura at mga motorsiklo na nakahambalang sa bangketa ang inalis ng mga tauhan ng MMDA-Metro Parkways Clearing Group habang pinaalalahanan din ang mga vendor na huwag humarang sa mga kalye at bangketa.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang isinagawang clearing operations sa Balintawak Market.

Mga basura at mga motorsiklo na nakahambalang sa bangketa ang inalis ng mga tauhan ng MMDA-Metro Parkways Clearing Group habang pinaalalahanan din ang mga vendor na huwag humarang sa mga kalye at bangketa.

Nangako si Abalos na para mas maging epektibo, magtatalaga siya ng mga tauhan na tutulong sa barangay para sa pagpapanati­ling walang sagabal sa mga kalsada.

“We leave it to the barangay captain to sustain what we’ve cleared here while we are helping them to rid streets of illegal obstructions,” ani Abalos.

Sinabi naman ni Belmonte na malaki ang naging pagbabago sa Balintawak Market simula nang magsagawa ng clearing operations ang MMDA.

“Our dialogue with the vendors continue to make sure that they are compliant with the road clearing directive,” ani Belmonte.

Umapela si Abalos sa publiko na pairalin ang disiplina at tiniyak na mahigpit na ipatutupad ang batas sa mga susuway.

Nagpasalamat din si Abalos sa suporta ni Belmonte sa MMDA dahil napakahalaga aniya, ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at ng publiko.

Samantala, inihayag ni Abalos na nagbigay ng donasyong P100-milyon ang pamahalaang lokal ng Quezon City para sa itatayong bus ramps sa EDSA, at hiniling din na mabuksan muli ang ilang u-turn slots.

Nagpasalamat din si Abalos sa pondo na ibinigay ng Department of Transportation (DOTr) para sa proyekto ng bus ramps.

vuukle comment

CLEARING OPERATION

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with