^

Metro

Seniors, bakunahan sa kanilang bahay - Olivarez

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na umano kailangan pang pumila sa mga itatalagang vaccination centers ang mga senior citizens maging ang mga vulnerable sectors at hindi na kayang lumabas pa ng bahay para magpabakuna.

Sa Laging Handa briefing sinabi ni Metro Manila Council president at Parañaque Mayor Edwin Olivares na kailangan ay sadyain na lamang sa kani-kanilang bahay ang mga lolo at lola lalo na ang mga hindi na kayang maglakad pa o maghintay ng matagal.

Ayon pa kay Olivarez, wala na ring pipiliin pa sa senior citizens maging mahirap o mayaman man dahil lahat ay kasama sa priority group.

Base sa inilatag na prio­rity list ng national government,sinabi ni Olivarez na uunahin nilang bakunahan ang health workers, senior citizens at vulnerable sectors .

Sinabi pa ng Alkalde na mayroon silang P250 bilyon budget ng lungsod at nakalagda na sila sa tripartite agreement sa pamamagitan ng national government at ng AstraZeneca.

Mayroon na umano silang nilagdaang tripartite agreement para sa intensyon nilang bumili ng 200 dose ng bakuna at nakikipag-usap na rin sila sa Pfizer para makabili ng bakuna.

Idinagdag pa niya na mayroon din silang standby credit line sa landbank of the Philippines para sa pambili ng bakuna.

vuukle comment

COVID-19

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with