^

Quezon City fire: Senior patay

Mer Layson, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang senior citizen na sinasabing may kapansanan pa ang nasawi nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City,kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Grace Juat, 63, at residente ng Aqua St., Fernville Subd., Brgy. Pasong Tamo.

Batay sa ulat ni Bureau of Fire Protection (BFP) Station 6 commander Fire Captain Aloysius Borromeo, pasado alas-6:00 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa isang palapag na bahay ng biktima.

Hindi umano nito nagawang makalabas ng kanyang tahanan kaya’t nakulong sa sunog na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Ani Borromeo, walang kuryente sa bahay nang maganap ang sunog at ta­nging kandila lamang ang gamit na ilaw sa tahanan.

Gayunman, inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na naideklarang fireout dakong alas-7:33 ng umaga at umabot lamang sa unang alarma.

Ayon sa BFP, wala namang iba pang tahanan ang nadamay sa sunog.

Samantala sa Maynila naman, siksikan ngayon sa eva­cuation center ang 40 pamilya ng Baseco Compound sa Port Area makaraang matupok ng isang sunog ang kanilang mga barung-barong kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-11:03 ng gabi nang sumiklab ang apoy buhat sa bahay ng pamilya Servantes sa may   Block 9 Tambakan, Baseco Compound at agad na kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Masuwerte naman na agad nakalabas ng kanilang bahay ang mga residente bago tuluyang tupukin ang mga ito ng apoy.

Alas-11:13 ng gabi nang ideklara ang ikalawang alarma na nirespondehan ng 15 fire trucks buhat sa BFP at 20 buhat sa mga volunteer fire brigades.  Bagama’t nahirapang makapasok sa makitid na mga eskinita at dinagdagan pa ng kapal ng tao na sinasagip ang kanilang mga ari-arian, nagawang maapula ng mga bumbero ang apoy dakong alas-12:50 ng madaling araw.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with