^

Metro

Taguig Jail deputy chief, arestado sa panghahalay sa tibo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Taguig Jail deputy chief, arestado sa  panghahalay sa tibo
Kinilala ang inaresto na si Jail Capt. Ramon Carolino, miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong panggagahasa sa Pasay City Prosecutor’s Office ang deputy chief ng Taguig City Jail makaraang ireklamo ng isang lesbian ng panggagahasa sa kaniya sa loob ng paupahang bahay kamakailan.

Kinilala ang inaresto na si Jail Capt. Ramon Carolino, miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nabatid na inaresto si Carolino ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan lumapit ang 26-anyos na biktima.  Walang tigil umano sa pag-iyak at nahimatay pa ang biktima habang isinasalaysay ang nangyari sa kaniya.

Sa imbestigasyon, sinabi ng biktima na Enero 16 nang niyaya siya ng suspek na landlord niya sa kuwartong inuupahan     na makipag-inuman sa kaniya at mga kasamahan na pinagbigyan naman niya bilang pakisama. Nang makaalis ang mga kasamahan, tinutukan umano siya ng suspek ng baril at dito siya puwersahang ginahasa.

Kinabukasan, agad na nagreklamo sa NBI ang biktima.  Isinailalim sa medical exam ang biktima at nakumpirma na may laceration sa kaniyang kaselanan.  Sinabi pa ng NBI na nagkaroon ng ‘mental trauma’ ang biktima matapos ang kaniyang sinapit.

Dito na nagkasa ng operasyon ang NBI na nag­resulta sa pagkakadakip ng suspek.

Sa kaniyang depensa, itinanggi ni Carolino na pinuwersa niya ang biktima at iginiit na ‘consensual sex’ o may pagsang-ayon ang nangyari sa pagitan nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with