^

Metro

2 timbog sa P.8 milyong ecstasy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kulungan ang dalawang tinedyer makaraang matimbog sa pagbebenta ng party drug na ecstasy sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Tondo kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang mga inaresto na sina Paul Chester Borja, 18,  at Krissette Silberio, 18, ng Herbosa St., Tondo.

Sa ulat ng Jose Abad Santos Police Station 7, dakong alas-3 ng madaling araw nang masakote ang dalawa sa ikinasang buy-bust operation sa may kanto ng Rizal Avenue at Bulacan Street, sa Tondo.  Isang pulis ang nagpanggap na buyer ng ecstasy kung saan kumagat ang dalawang suspek sa pain.

Nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang dalawang medium ziplock plastic sachet na naglalaman ng orange na mga tabletas at isa pang medium ziplock sachet na naglalaman naman ng gray na tabletas at ang gamit nilang puting Honda sedan. .

Tinatayang aabot sa 500 piraso ang nakumpiskang mga tabletas ng ecstasy na may katumbas na halagang P850,000 base sa standards ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Isinasailalim ngayon ang dalawang tinedyer sa imbestigasyon para mabatid kung sino ang kanilang source ng party drugs.  Nakaditine sila ngayon sa MPD Station 7 Custodial Jail at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with