^
Libreng COVID-19 drive-thru testing sa Maynila, na-upgrade na
Makikita ang mga tauhan ng Manila Health Department habang nagsasagawa ng libreng RT-PCR swab testing sa may Quirino Grandstand sa Maynila kahapon. Ang free swab test ay bukas sa lahat ng residente at maging sa non-resident ng Maynila pero kailangan muna nilang magparehistro para makasama sa 100 per day quota na sasailalim dito.
Edd Gumban

Libreng COVID-19 drive-thru testing sa Maynila, na-upgrade na

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinigil na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pagbibigay ng libreng ‘drive thru COVID-19 serology testing’ na na-upgrade  na sa RT-PCR swab testing simula kahapon ng umaga.,

“Upgrade na tayo sa swab testing,” ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno makaraang ilang motorista na magpapa-serology test sana sa Quirino Grandstand ay nabigo nang abutan na wala na pala ang naturang serbisyo.

Sinabi ni Moreno na RT-PCR na ang kanilang ibinibigay para mas maging epektibo ang ginagawang mass testing ng pamahalaang lungsod.  Maaaring sumailalim dito ang mga residente ng Maynila at maging mga hindi residente.

Ibinibigay ang libreng RT-PCR test sa Quirino Grandstand (drive-thru), Sta. Ana Hospital, at Delpan Quarantine Facility.

Nilinaw naman ng Manila Health Department na kailangang makapagpa-schedule muna ng appointment sa Manila Emergency Operation Center bago sumalang sa RT-PCRT test. Ang unang 100 magpapa-appoint lamang ang sasalang sa swab test kada araw.

 Maaaring tumawag para sa appointment ang mga interesado sa mga numerong: 09052423327, 09983226367, 09636023177, at 09555875976.

Unang inilunsad ang ‘serology testing ng MHD noong Hulyo 15, 2020 bilang bahagi ng kanilang mass testing makaraang makakuha ng apat na makina buhat sa Abot na kayang mag-proseso ng 89,600 tests kada buwan.

May 99.6% accuracy umano ito ngunit mas piniling palitan na lamang ng MHD ng RT-PCR tests na siyang ‘gold standard’ sa COVID-19 testing.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with