^
Forensic examination sa Dacera case, tapos na!
Una nang sinabi ng NBI na nakakuha sila ng may 100 ml. na urine samples sa labi ni Da­cera kahit na naisailalim na ito sa unang awtopsiya. Kumuha rin ang NBI forensic team ng tissue samples ng labi ng dalaga.
Facebook/City Garden Grand Hotel, Facebook/Christine Dacera

Forensic examination sa Dacera case, tapos na!

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natapos na National Bureau of Investigation (NBI) ang forensic examination base sa ikalawang awtopsiya na ginawa ng kanilang forensic team sa labi ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.

Kasunod naman nito, bubusisiin naman ng ahensya ang mga gamit ng cellphone ng mga sinasabing suspects.

Ito ang inihayag kahapon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ngunit hindi na nito binanggit kung ano ang naging resulta.

“The NBI has completed its forensic examination of tissues obtained from the subject’s remains. It is currently coordinating with the Makati Medical Center on related issues,” ayon sa mensahe ni Guevarra sa mga mamamahayag.

Sa ngayon, sinabi pa ng kalihim na kikilos naman ang NBI digital forensic team para suriin ang mga datos sa mobile phones ng mga ‘suspects’.

Una nang sinabi ng NBI na nakakuha sila ng may 100 ml. na urine samples sa labi ni Da­cera kahit na naisailalim na ito sa unang awtopsiya.  Kumuha rin ang NBI forensic team ng tissue samples ng labi ng dalaga.

Una na ring isinailalim sa ‘polygraph test’ ang mga persons-of-interest na ikukumpara sa mga ebidensyang nakalap.  Ilan din sa kanila ang sumailalim sa ‘drug tests’ na nag-negatibo naman.

“I understand that some of them have undergone drug testing, and the rest will also be tested. I’ll leave it to the NBI to divulge the results,” ayon kay Guevarra.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with