^

PNP-HPG aayuda sa MMDA sa trapik

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakipag-ugnayan na kahapon si Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr.  sa mga opisyal ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) para humingi ng karagdagang puwersa na tutulong sa pagsasaayos ng trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ni Abalos na humingi siya ng tulong kay P/ Lieute­nant Colonel Joshua Alejandro, hepe ng PNP-HPG ng National Capital  Region,  na nangakong magtatalaga ng 180 miyembro ng HPG para magmando sa trapiko sa  EDSA at Commonwealth Avenue.

Samantala, nagre-recruit naman ng karagdagang trafftic enforcers ang MMDA para madagdagan ang kasalukuyang traffic enforcers. Inaasahang makukumpleto ang proseso sa pagtanggap ng mga bagong kawani ng MMDA sa loob ng 3 buwan.

“We need additional traffic enforcers to improve our traffic management efforts,” ani Abalos.

Sa kasalukuyan ay nasa 2,187 traffic enforcers  ang nagmamando sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, kung saan nasa 25 porsyento nito ay pawang senior citizens.

Ayon kay  Teroy Taguinod, pinuno ng MMDA Traffic Discipline Office, ang vulnerable sectors nila partikular ang 64 senior citizens, 6 na  buntis, at ang 25 mayroong medical conditions ay hindi na pinagrereport sa duty dahil sa COVID-19 pandemic kung kaya kinukulang sila sa mga tauhan sa kasalukuyan.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with