^
Akyat-bahay lantang gulay sa gulpi matapos makorner
Namamaga ang mukha at tadtad ng pasa ng suspek na si Jerome Serrano, 22, ng Gate 52 Parola Compound, ­Tondo, nang isuko sa ?Delpan Police Station 12.
STAR/ File

Akyat-bahay lantang gulay sa gulpi matapos makorner

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bugbog-sarado ang inabot ng isang lalaki na nanloob sa isang bahay makaraang masukol ng may-ari at pagtulungan ng mga magkakapitbahay, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Namamaga ang mukha at tadtad ng pasa ng suspek na si Jerome Serrano, 22, ng Gate 52 Parola Compound, ­Tondo, nang isuko sa ?Delpan Police Station 12.

Sa ulat ng pulisya, natutulog sa loob ng kaniyang kuwarto sa bahay sa may No. 590 Gate 58 Area H Parola Compound si Erwin Corran, 33, nang maalimpungatan siya matapos makarinig ng ingay mula sa kanilang bintana.

Nang puntahan niya ito, nakita niya na nakapasok ng kanilang bahay ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagsira sa steel grill.  Agad na tumakas palabas ng bahay ang suspek bitbit ang isang ninakaw na cellular phone kaya nagsisigaw ng saklolo si Corran.

Naalerto ang mga kalugar ng biktima na siyang nakasukol sa suspek at nagtulung-tulong na gulpihin ito bago naawat ng mga rumes­pondeng barangay ta­nod. Narekober sa suspek ang tinangay na mobile phone.

Nakadetine ngayon si Serrano sa Delpan Police Station Custodial Jail at nahaharap sa kasong Robbery sa Manila Prosecutor’s Office.

AKYAT BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with