^
12 Dacera âsuspectsâ sumalang sa lie detector, drug tests
Ayon sa NBI, ang mga sagot na ibinigay nila sa polygraph test ay ikukumpara sa mga nakalap na mga pisikal na ebidensya maging sa video footage sa loob ng hotel.
Instagram/xtinedacera

12 Dacera ‘suspects’ sumalang sa lie detector, drug tests

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan na magkakaroon na ng kalinawan ang isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera makaraang isailalim sa polygraph test o ‘lie-detector test’ ang 12 sa mga ‘person-of-interest’.

Bukod dito, lima sa kanila ay boluntaryong nagpasailalim din sa ‘drug test’ kung saan negatibo ang resultang lumabas upang patunayan na hindi sila gu­magamit ng ilegal na droga.

Kabilang sa mga nagnegatibo sa drug test sina Alain Chen, 27; Gregorio Angelo Rafael de Guzman, 34; Rommel Galido, 29; John Pascual dela Serna, 27; at Jezreel Rapinan, 30.

Ayon sa NBI, ang mga sagot na ibinigay nila sa polygraph test ay ikukumpara sa mga nakalap na mga pisikal na ebidensya maging sa video footage sa loob ng hotel.

Samantala, nakatakdang dumating buhat sa Tacloban City ang ika-13 occupant ng Room 2207 para magbigay ng kaniyang testimonya sa mga imbestigador.

Susuriin ng NBI ang magiging testimonya niya at aalamin kung maaari siyang mga ‘state witness’ ng pamahalaan.

Una nang isinailalim sa ikalawang awtopsiya ng mga forensic expert ng NBI ang labi ni Dacerna bago ito ili­bing. Nakakuha umano sila ng ‘bodily fluids’ sa katawan na isinailalim din sa pagsusuri.

CHRISTINE DACERA NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with