^

‘KyusiPass’ ilulunsad

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines — Nakatakdang ilunsad ng Quezon City government ang ‘KyusiPass,’ na isang contact tracing app na po­wered ng SafePass, bilang bahagi nang pagsusumikap na mapalakas pa ang kanilang contact tracing efforts laban sa COVID-19.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, sa pamamagitan ng KyusiPass ay madaling matunton at matukoy ng lokal na pamahalaan ang mga taong bumibisita sa bawat establisimyento na nasa kanilang nasasakupan.

“Currently, our businesses are requiring their guests to fill-up health declaration forms. Through our KyusiPass, they will just tap their QR code onto the scanner and their information, including their name and mobile number, will automatically be sent to our servers handled by our City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU),” anang alkalde.

Nabatid na bawat indibiduwal na may balidong mobile number na nakatira, nagtatrabaho, o nagnenegosyo sa Quezon City, ay kinakailangang kumuha ng personal QR code.

Maaari silang magrehistro sa pamamagitan nang pag-sign up sa SafePass website, SafePass Facebook chatbot, at SMS.

Ang KyusiPass ay kasalukuyan nang ipinaiiral sa lahat ng QC government departments, kung saan ang lahat ng tanggapan ay kinakailang i-scan ang QR codes ng kanilang empleyado, pagpasok ng mga ito sa trabaho.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with