^

Higit 300 pamilya nasunugan sa Muntinlupa

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mahigit 300 pamilya na pawang informal settlers ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Barangay Alabang, Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection (BFP)- Muntinlupa, nasa 100 kabahayan na pawang yari sa light materials ang natupok sa residential area ng Barrio Bisaya, Alabang, Muntinlupa City, sa halos 3 oras na sunog na umakyat hanggang sa ika-apat na alarma bago tuluyang idineklarang fire-out dakong alas 11:06 ng umaga ng Linggo.

Sinabi ni Fire Marshal Supt. Roberto Semillano na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Francisco Amorado dakong 8:20 ng umaga na mabilis na kumalat dahil sa magkakadikit lamang ang mga tahanan.

Medyo nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa makikipot na eskinita papasok sa nasusunog na kabahayan kaya pinaikutan ang erya para hindi na lalo pang lumawak ang madadamay sa sunog lalo’t malapit ito sa Ospital ng Muntinlupa, kabilang ang COVID-19 isolation facility at ang Molecular Laboratory sa lungsod.

Umabot sa 65 fire trucks ang rumesponde kabilang ang 22 mula sa BFP, 25 fire trucks ng mga volunteer group na nagmula sa iba’t ibang lungsod at 18 trucks naman ng LGUs na nagmula sa mga barangay sa lungsod, ayon kay Supt. Semillano.

Tinatayang nasa P1-milyong halaga ang napinsala.

Tiniyak naman ni Mayor Jaime Fresnedi na tutulu­ngan nila ang mga apektadong pamilya.

Ayon kay Tez Navarro, Public In formation Office chief, ang Social Service Department ay naghanda na ng hot meals at relief goods para sa mga nasunugan at nakikipag-ugnayan na rin sa mga posibleng pansamantalang tuluyan.

Samantala, mariing nilinaw ni Navarro na hindi dapat ikabit ang isyu ng relocation ng mga informal settlers na apektado ng sunog sa kasalukuyang alkalde. Aniya, ang mga informal settlers ay matagal nang panahong ipinare-relocate panahon pa ng mga nagdaang administrasyon ng Muntinlupa Government, at sa panunungkulan ni dating Mayor Ignacio Bunye dahil ang kinatitirikan ng mga kabahayan ay pag-aari ng gobyerno.

BFP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with