^
DILG muling magha-hire ng 15K contact tracers
Sa isang pahayag, sinabi ng DILG na ang mga marere-hire sa programa ay magtatrabaho ng panibagong anim na buwan.
Boy Santos, file

DILG muling magha-hire ng 15K contact tracers

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magre-rehire ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng may 15,000 contact tracers (CTs) sa buong bansa upang masiguro ang pagpapatuloy ng contact-tracing efforts laban sa COVID-19.

Sa isang pahayag, sinabi ng DILG na ang mga marere-hire sa programa ay magtatrabaho ng panibagong anim na buwan.

Nabatid na inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1.9 bilyong alokasyon para sa mga CTs ngayong 2021.

Anang DILG, bagama’t patuloy na humuhusay ang COVID-19 response ng bansa, dapat pa ring sustenahan ang contact tracing efforts ng pamahalaan, partikular na ngayong nakapasok na sa bansa ang bagong UK COVID variant,” anang DILG sa isang pahayag.

Ikinatuwa naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya ang pagbibigay ng pondo sa kanila para maire-hire ang 15,000 CTs ngayong taong ito, na patuloy na tutulong sa kanila upang matunton, mamonitor ang mga kaso ng COVID-19 at maputol ang transmission ng virus sa bansa.

Ayon kay Malaya, nais sana ng DILG na i-rehire ang lahat ng 50,000 CTs na kinuha nila noong nakaraang taon, ngunit hindi ito kakayanin dahil na rin sa limitasyon sa budget.

Inatasan na rin naman aniya ang mga DILG field offices at mga local go­vernment units (LGUs) na magsagawa ng agarang assessment sa performance ng mga CTs at piliin ang mga naging epektibo at episyente sa kanilang trabaho upang siyang muling ma-rehire ang mga ito.

Paglilinaw naman ni Malaya, ang rehiring ng 15,000 CTs ay magiging epektibo lamang sa sandaling na­ging available na ang pondo para dito, mula sa DBM.

CONTACT TRACER DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with