^

No.1 most wanted sa NCR tiklo ng NPD operatives

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ang itinutu­ring na No.1 most wanted na kriminal sa National Capital Region (NCR) sa ikinasang ‘Oplan Pagtugis’ at ‘Saliksik’ ng intelligence ­operatives ng Northern Police District (NPD) sa lungsod ng Parañaque ka­makalawa ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Eliseo Cruz ang nabitag na most wanted na si Ronnie Bolista, 37, residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.

Dakong alas-6 ng gabi nang masakote ang suspect sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Pedro T. Dabu ng Malabon RTC (Regional Trial Court) Branch 170 sa  kasong double murder at frustrated murder kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng suspect.

Isinailalim na ang suspect sa kustodya ng NPD-DID (District Intelligence Division) kaugnay ng kasong kriminal na kinakaharap nito.

MOST WANTED NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with