^
Walang ibang uri ng paggamot sa UK COVID-19 variant
Sinabi ni San Lazaro Hospital’s Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department head, Dr.Rontgene Solante na wala pang ebidensya na kailangan ng ibang uri ng paggamot sa mga kaso ng UK COVID-19 variant.
The STAR/Michael Varcas, file

Walang ibang uri ng paggamot sa UK COVID-19 variant

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Katulad pa rin ang uri ng gamutan sa orihinal na COVID-19 ang isinasagawa ng mga pagamutan sa mga magiging kaso ng UK variant na matutukoy sa Pilipinas.

Sinabi ni San Lazaro Hospital’s Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department head, Dr.Rontgene Solante na wala pang ebidensya na kailangan ng ibang uri ng paggamot sa mga kaso ng UK COVID-19 variant.

“It’s still the same the way we care for these patients, the way we’re giving the investigational drugs, including the support and ICU. More or less it’s totally the same,” ayon kay Solante.

Ngunit pinapalakas na umano nila ang kanilang ‘infection control measures’ sakaling ma-admit sa kanila ang isang pasyente na may taglay ng bagong strain ng virus.

Inihayag pa ni Solante na nakapaghanda na rin sila sa posibleng biglaang pagsikad ng mga kaso ng orihinal na COVID-19 matapos ang mga kasiyahan noong Disyembre.

Sa kasalukuyan, mas mababa pa rin sa 50 porsyento ang ‘occupancy rate’ ng kanilang COVID ward ngunit pa­tuloy ang kanilang monitoring lalo na sa ikatlo at ikaapat na linggo ng Enero.

 

COVID-19 VARIANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with