^
Quezon City LGU hirap makipag-usap sa iba pang pharmaceutical company para sa bakuna
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay kahit na mayroong ‘go signal’ si Pangulong Rodrigo Duterte na ang LGU na ang inootorisahan na makipag -transaks­yon sa mga pharmaceutical companies para makabili ng bakuna sa COVID.
AFP/Johannes Eisele, file

Quezon City LGU hirap makipag-usap sa iba pang pharmaceutical company para sa bakuna

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hirap silang makipag-usap ngayon sa ibang mga pharmaceutical companies na bibilhan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Belmonte, ito ay kahit na mayroong ‘go signal’ si Pangulong Rodrigo Duterte na ang LGU na ang inootorisahan na makipag -transaks­yon sa mga pharmaceutical companies para makabili ng bakuna sa COVID.

“Nakikiusap ako, may ilang pharmaceutical companies ang ayaw makipag-usap sa LGU, gusto pa rin nila ang kausapin ay national government. May permission na kami from the national government pero ayaw nilang makipag-ugnayan. Sana magkaroon ng agreement kaya patuloy kami nakikipag-ugnayan ngayon tungkol diyan,” pahayag ni Mayor Belmonte.

Ito ay sinabi ni Belmonte kahit na may tripartite agreement na sila sa pagitan ng national government at AstraZeneca Pharmaceutical Philippines para sa pagbili ng bakuna.

Anya, may 550,000 lamang na indibiduwal ang mababakunahan sa nabili nilang vaccine sa AstraZeneca kaya humahanap pa sila ng iba pang pharmaceutical companies para makabili ng kabuuang kailangang bakuna para sa mga taga-lungsod na may mala­king populasyon.

Sa pagkakaloob anya ng bakuna, ipapatupad ng QC ang guidelines hinggil dito ng World Health Organization (WHO) at DOH, na ang uunahing bigyan ng COVID-19 vaccine ay frontliners, seniors, PWDs, indigent families at iba pa. Ang QC ay naglaan ng P1.1 bilyon para sa COVID-19 vaccine.

QUEZON CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with