^

5 nasaktan sa salpukan ng 2 sasakyan

(Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lima katao ang nasaktan nang salpukin ng isang kotse ang nakaparadang L300 van  sa may EDSA-Guadalupe, kahapon ng umaga.

Nabatid kay Mark Pascual, driver ng L-300 van na katatapos lang ng kanilang structural assessment na ginawa nila sa MRT Guadalupe kung saan pansamantalang nakaparada ang kanilang sasakyan sa may EDSA at hinihintay ang kanilang kasamahan.

Binanggit nito na naka-hazard siya sa gilid ng kalsada nang salpukin ng isang itim na kotse. Dahil sa lakas nang pagkakabangga ay tumama sila sa may 4 na barriers sa lugar.

Kabilang si Pascual sa bahagyang nasaktan sa insidente.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to damage to properties and slight physical injury ang kakaharapin ng nakabanggang kotse.

 

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with