^

Na-quarantine na OFW, napaanak sa NAIA

Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa palikuran na ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) inabutan nang panganganak ang isang umuwing OFW na sumasailalim sa 14 days quarantine.

Sinabi ni Jess Martinez, officer-in-charge ng Media Affairs Office, ang pasaherong itinago sa pangalang Gladies  ,26, tubong General Santos City ay namataan ng isang airport personnel na hindi mapalagay dahil sa pananakit ng tiyan habang labas-pasok sa loob ng comfort room ng South Wing ng terminal 2.

Dahil sa kalagayan ng pasahero ay agad na tumawag ang em­pleyado sa MIAA Medical Clinic upang ipaalam ang masamang kondisyon ng una.

Ayon kay Aileen Perion, building attendant, na pumasok sa loob ng comfort room si Gladies at narinig ng mga em­pleyado ang pag-iyak ng isang sanggol na kanilang  ikinagulat.

Ang nasabing pasahero na isang domestic helper sa Saudi Arabia ay sumailalim sa 14 days quarantine at sa mga susunod na araw ay lilipad na sana patungong Gensan sakay ng ‘sweeper flight’ ng PAL pero sa airport na ito inabutan nang panganganak.

Siya ay dinala ng MIAA Medical team sa Fabella Memorial hospital sa tulong ng ilang OWWA representatives.

 

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with