^
Taga-Quezon City na nakiisa sa pagdiriwang ng Black Nazarene feast, pinapasailalim sa COVID-19 test
Sinasabing may kabuuang 500,000 devotees ang nagtungo sa Quiapo Church at kalapit na lugar ng simbahan para makiisa sa mga misa na isinagawa matapos ngang suspendihin ang traslacion o prusisyon dahil sa pandemya.
Philstar.com/Irish Lising

Taga-Quezon City na nakiisa sa pagdiriwang ng Black Nazarene feast, pinapasailalim sa COVID-19 test

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga taga–lungsod na nakiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Maynila at nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19 na kung maaari ay sumailalim sa libreng test ng lokal na pamahalaan para mapigilan ang hawaan ng naturang virus.

Ang panawagan ay ginawa ni Mayor Belmonte bunga na rin ng muli na namang pagtaas ng kaso ng COVID sa Metro Manila.

Sinasabing may kabuuang 500,000 devotees ang nagtungo sa Quiapo Church at kalapit na lugar ng simbahan para makiisa sa mga misa na isinagawa matapos ngang suspendihin ang traslacion o prusisyon dahil sa pandemya.

“Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa rami ng dumalo. Mabuti nang makasiguro upang hindi natin mahawaan ang ating pamilya at mga kasama natin sa komunidad,” pahayag ni Belmonte.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang mga nakiisa sa okasyon sa Quiapo church na may nararamdamang sintomas na agad na magtungo sa kanilang barangay para sa kaukulang tulong medical para sa mga ito.

COVID-19 NAZARENO QUIAPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with