400 PWDs sa Quezon City, binigyang ayuda ni Councilor Belmonte
Si QC Councilor Mikey Belmonte nang magbigay ayuda sa nasa 400 person with disability (PWDs) sa lungsod na matinding naapektuhan ng nagdaang bagyo noong Nobyembre at Disyembre sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Brgy. Bagong Silangan kahapon.
Boy Santos

400 PWDs sa Quezon City, binigyang ayuda ni Councilor Belmonte

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 400 person with disability (PWDs) sa ­Quezon City na matinding naapektuhan ng nagdaang bagyo noong Nobyembre at Dis­yembre ang nabiyayaan ng grocery items ni QC Councilor Mikey Belmonte sa kanyang kaarawan sa isang simpleng seremonya sa Geronimo Covered court sa Brgy. Bagong Silangan kahapon.

Bukod dito, dalawa sa mga PWDs na pinaka- mahirap sa lugar na sina Joseph Carredo at Leonela Magno ng nabanggit na barangay ang binigyan ng mobile food cart ni Councilor ­Belmonte para pagkunan ng pagkaka­kitaan ng kanilang pamilya. Ang mobile food cart ay mayroon nang kasamang mga gamit panluto at picka foods tulad ng kikiam, hotdog at squid balls bilang panimulang hanapbuhay ng mga ito.

“Naitawid natin ‘yung 2020, gusto ko naman sana na sama -sama tayong mag- celebrate sa kabila ng lahat. Isa ang PWDs sector sa mga priority ko dahil malapit kayo sa aking puso”, pahayag pa ni Councilor Belmonte.

Naging panata na ni Councilor Belmonte na magbigay ayuda sa vulne­rable sector sa lungsod tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

PWD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with