20 bus tinikitan sa EDSA
Sinabi ni I-ACT Team Leader Col. Rosendo Borja, lumabag o hindi ipinatupad ng mga ito ang “one seat apart” policy sa mga pasahero.
Russell Palma, file

20 bus tinikitan sa EDSA

(Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

Lumabag sa distancing protocol

MANILA, Philippines — Nasa 20 pampasaherong bus ang tinikitan ng mga tauhan ng Inter Agency Council for Traffic (I-ACT) dahil sa paglabag sa distancing protocol habang dumaraan sa EDSA-Santolan busway.

Sinabi ni I-ACT Team Leader Col. Rosendo Borja, lumabag o hindi ipinatupad ng mga ito ang “one seat apart” policy sa mga pasahero.

Aniya, kahit pinayagan na ng pandemic task force ang hanggang 70 porsiyentong passenger capacity nagdesisyon ang DoTR at ang consortium ng bus operators na panatilihin muna sa 50 porsiyento o hanggang 25 hanggang 30 katao ang bilang ng mga pasaherong papayagang makasakay sa mga bus.

“Ang kinonduct namin na operations ay iimplement talaga namin iyong 7 commandments, dahil marami sa mga bus na nagbibyahe sa EDSA carousel na violators. Karamihan iyong seating capacity nila hindi nila mine-maintain ang one seat apart, iyan ang mga hinuhuli namin,” ani Borja.

Hindi naman pinababa ang mga pasahero ng mga bus na lumabag bilang konsiderasyon lalo na sa panahon ng rush hour at mahabang pila ng mga pasaherong sumasakay sa mga bus.

Itutuloy ng I-ACT ang paniniket sa mga susunod na araw hanggang sa matuto aniya ang mga bus driver at konduktor na sundin ang health protocols para sa kaligtasan ng mga pasahero.

BUS EDSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with