200,000 doses ng bakuna, ikinasa ng Parañaque

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Selyado na ang isang kasunduan para sa pagbili ng 200,000 doses ng bakuna para sa COVID-19 sa pagitan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque at ng AstraZeneca Pharmaceutical Phils., na nagkakahalaga ng halos $1 milyon.

Inihayag kahapon ni Mayor Edwin Olivarez na ang multilateral na kasunduan para sa advanced na pagbili ng bakunang AZD1222 sa Pilipinas ay nalagdaan nitong Enero 10, 2021.

“The purchase price is for $5 per dose, or a total of $1 million for the city government,” ani Olivarez na sakaling available na ay ibabakuna ito ng libre sa lahat ng residente ng lungsod.

Noong nakalipas na buwan, naglaan ang lokal na pamahalaan ng inisyal na P250 milyon para sa 2021 budget at dagdag na P1 bilyong “standby” funds para sa pagbili ng bakuna sa COVID-19.

Nabatid na halos lahat ng l lungsod sa Metro Manila, ay nakipagsara na ng transaksyon sa advance na pagbili ng bakuna mula sa AstraZeneca.

Sinabi pa niya na bukod sa AstraZeneca, intersado rin ang lokal na pamahalaan na makakuha pa ng bakuna mula sa ilang reputable drug manufacturers tulad ng Janssen, Pfizer/BioNTech, at Moderna.

BAKUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with