^
Mag-utol patay sa sunog sa Quezon City
Ayon sa ulat, sumik­lab ang apoy sa unang palapag ng bahay ng pamilya Lee bago mag-ala-6 ng umaga.
STAR/File

Mag-utol patay sa sunog sa Quezon City

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid matapos na ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Malaya sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, sumik­lab ang apoy sa unang palapag ng bahay ng pamilya Lee bago mag-ala-6 ng umaga.

Nagawang makalabas ng bahay ang ama at isa pang anak na la-laki na noon ay natutulog sa ground floor habang na-trap na ang dalawa pa nitong anak na sina Mariah Maxene Lee, 24 at bunsong kapatid na si Isabel Granchesca, 10.

Natutulog ang dala­wa sa mezzanine ng bahay na walang buka­san ang bintana at naka-grills lamang.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na tumagal ng halos 40 minuto.

Patuloy namang ina­alam ang sanhi sa naganap na sunog.

DEAD FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with