^
P300K halaga ng shabu nasabat
Nakumpiska sa kaniya ang 6 na medium sized sachet ng shabu na tumitimbang ng 44. 2 gramo; isang digital weighing scale; isang Redmi cellphone; kalibre .45 pistol (Caspian) na may 8 bala sa magazine.
Philstar.com/John Unson, file

P300K halaga ng shabu nasabat

Cristina Timbang, Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng ‘tulak’ kung saan nasamsam sa kanya ang tinatayang P300,560.00 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District chief , P/Brigadier General Emmanuel Peralta, ang suspek na si Princess Sarah Laine Batac, na nadakip sa tulong ng confidential informant hinggil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Taguig at sa mga kalapit  lungsod. Dakong alas 8:40 ng gabi ng kamakalawa nang ikasa ang operasyon laban sa suspek sa Capistrano Extension Brgy. Hagonoy, Taguig City ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Taguig City Police Station.

Nakumpiska sa kaniya ang 6 na medium sized sachet ng shabu na tumitimbang ng 44. 2 gramo; isang digital weighing scale; isang Redmi cellphone; kalibre .45 pistol (Caspian) na may 8 bala sa magazine.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with