^
Simbahan ng Quiapo isasara kung may âpasawayâ
Ito ang sinabi ni Quiapo Church spokesperson Fr. Douglas Badong na para umano matiyak ang kaligtasan ng lahat dahil sa umiiral pa rin ang COVID-19 hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo.
Philstar.com/Irish Lising, file

Simbahan ng Quiapo isasara kung may ‘pasaway’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipasasara ang simbahan ng Quiapo at ipatitigil ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa Pista ng Itim na Nazareno kung may mga deboto na manggugulo sa okasyon at lalabag sa mga ipinatutupad na ‘safety protocols’ sa Enero 9.

Ito ang sinabi ni Quiapo Church spokesperson Fr. Douglas Badong na para umano matiyak ang kaligtasan ng lahat dahil sa umiiral pa rin ang COVID-19 hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa buong mundo.

“Yung commitment namin kung saka-sakaling may mga unruly o hindi talaga sumusunod then we are willing to close ‘yung simbahan para masigurado natin ang kaligtasan ng bawat isa,” ayon kay Fr. Badong sa panayam ng GMA News.

“Kung kinakailangan po ihinto muna ‘yung mga Misa, activities, e gagawin po namin kasi ‘yun naman ‘yung bahagi ng simbahan,” dagdag niya. Unang kinansela na ng simbahan ang tradisyunal na Traslascion na dinadagsa ng milyong deboto at maging ang pahalik. Sa halip, 15 misa ang isasagawa sa Enero 9 na limitado pa rin dahil sa 30 porsyento lamang ng kapasidad ng simbahan ang maaaring maging laman kada msia.

Maglalagay ng LED screen sa labas ng simbahan para masaksihan din ng mga deboto na nasa labas ang misa ngunit kailangan na magpatupad din ng isang metrong pagkakalayo-layo hindi tulad noong mga nakaraang taon na dikit-dikit ang mga tao.

QUIAPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with