^
P350K paputok, winasak sa Maynila
Hindi alintana ng mga bata ang panganib na puwedeng idulot sa kanilang kalusugan ng usok mula sa lusis at siga na nilagay sa gitna ng kalye sa Sta. Cruz, Maynila sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Miguel de Guzman

P350K paputok, winasak sa Maynila

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Winasak ng Manila Police District (MPD) ang tinatayang P350,000 halaga ng iba’t ibang uri ng paputok at pailaw na nakumpiska nilang itinitinda sa Sta, Cruz, Maynila.

Alas-8 kamakalawa ng gabi nang pangunahan ni MPD Director PBGen. Leo Francisco at Sta. Cruz Police Station 3 commander P/Lt. Col John Guiagui ang pagsira sa mga paputok sa harapan ng istasyon sa Quezon Boulevard.

Kabilang sa mga sinira ay mga super jumbo fountain, jumbo alkansya fountain, sixteen shots fireworks, box luces, stick luces, baby rockets at saturn missiles.

Partikular na ibini­benta ang mga iligal na paputok sa Blumentritt Market, Central Market at sa kahabaan ng Villalobos St., Sta. Cruz, Maynila at nakumpiska mula Disyembre 27.

Hindi pa naman batid kung ilan ang paputok na nakumpiska ng iba pang istasyon ng MPD parti-kular na sa nakakasakop sa Divisoria at Binondo.

Samantala, sa halip na fireworks ay isang “drone show” ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila nitong Disyembre 31 makaraang ipagbawal din ni Mayor Isko Moreno ang paggamit ng mga papu­tok at pailaw sa siyudad.

MANILA POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with