^
Rider nagsagawa ng citizen arrest sa karnaper
Kalaboso at nakatakdang sampahan ng reklamong carnapping sa Pasay City Prosecutors’ Office ang suspek na kinilalang si Aldrin Tobice, 32, ng Purok 4, San isidro Labrador St., Camarin Caloocan.
STAR/ File

Rider nagsagawa ng citizen arrest sa karnaper

(Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mismong ang may-ari ng motorsiklo na gamit sa kaniyang Food Panda delivery service ang  nagsagawa ng citizen arrest sa karnaper na naaktuhang tumatangay nito, sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Kalaboso at nakatakdang sampahan ng reklamong carnapping sa Pasay City Prosecutors’ Office ang suspek na kinilalang si Aldrin Tobice, 32, ng Purok 4, San isidro Labrador St., Camarin Caloocan.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Noel Burden ng Pasay City Police Station, dakong ala-1:50 ng hapon ng Disyembre 30, 2020 nang maganap ang insidente sa harapan ng Wendys Parking, sa Gil.Puyat Ave., Pasay City.

Nabatid na nabawi ng biktimang si John Mcklein Sobremonte,23, food panda delivery, residente ng Emma St., Pasay City, ang kaniyang Mio Sporty.

Nabatid na tangay-tangay na ng suspek ang motorsiklo nang mapansin ito ng saksing si Ryan Cuello, 38, isa ring  food panda delivery, na agad siyang pinigilan at ipinaalam sa biktima, na siya na ring umaresto at nagdala sa himpilan ng pulisya.

FOOD PANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with