^

MRT-3, nagkabit ng 24 na bagong CCTV sa Cubao Station

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pagkakabit ng may 24 na bagong closed-circuit television (CCTV) ca­meras sa iba’t ibang bahagi ng Cubao station, sa Quezon City.

Sa paabiso ng MRT-3, sinabi nito na layunin nang pagkakabit nila ng mga bagong CCTV sa mga istasyon ng kanilang tren na higit pang mabantayan ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Nabatid na gumagana ang mga CCTV sa loob ng 24-oras.

Nakatutulong anila ito sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga istasyon ng tren at upang mapigilan at masugpo ang anumang klase ng krimen sa mga nasasakupang lugar ng MRT-3.

Matatandaang nakapagkabit na rin ng 59 na bagong CCTVs sa North Avenue station, Quezon Avenue station, at GMA-Kamuning station.

Ayon sa MRT-3, ang paglalagay ng bagong CCTVs ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon sa buong linya ng naturang rail line.

MRT3
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with