^

Metro

Lider ng robbery/holdup group, 3 galamay timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lider ng robbery/holdup group, 3 galamay timbog
Sa report ni PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Brig. Gen.Alexander Tagum, ang notoryus na robbery/holdup syndicates ay sangkot sa pambibiktima sa maya­yamang casino players lalo na ang mga dayuhan.
STAR/ File

Nambibiktima sa mayayamang casino players

MANILA, Philippines — Nalansag ng mga awtoridad ang isang  notoryus na robbery/holdup gang na responsable sa panghoholdap sa dalawang Chinese  matapos  na maaresto  ang lider at 3 galamay nito sa operasyon sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw.

Sa report ni PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/Brig. Gen.Alexander Tagum, ang  notoryus na robbery/holdup syndicates ay sangkot sa pambibiktima sa maya­yamang  casino players lalo na ang mga dayuhan.

Kinilala ni Tagum ang naarestong lider ng sindikato na si Ali Asgar Pendatum Baraguir.

Natunton si Baraguir sa isang hotel sa Malate kasama ang 3 nitong tauhan.

Kabilang sa naging biktima ng grupo ang dalawang Chinese na sina Hanze Weng at Wuwez Fang na maglalaro sana ng casino sa isang high-end gaming hub sa lungsod ng Pa­rañaque.

Nabatid na pasado alas-2 ng hapon noong Disyembre 28 nang mag-withdraw ang dalawang Chinese  ng P 32,340,000  at patungo na sa casino sa Pa­rañaque City nang harangin at holdapin ng mga suspect sa kahabaan ng JW Diokno Boulevard.

Walang nagawa ang mga biktima nang harangin ng mga suspect na binuksan ang pintuan ng kanilang behikulo sabay deklara ng holdap kung saan tinangay pa ng mga ito ang behikulo ng mga biktima.

Agad namang inireport ng mga biktima sa PNP-HPG ang insidente kung saan nagsagawa ng follow-up operation ang mga Special Operations Team at Intelligence ­Operatives at natunton ang pinaglunggaan ng mga suspect.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang isang cal. 45 pistol, dalawang motor vehicles na isang Toyota Vios at isang Ford Raptor na ipinarada ng mga ito sa isang gasoline station sa kahabaan ng MIA road sa lungsod ng Pasay at hindi pa madeterminang halaga.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with