_ngayon
^

Metro

Taguig nanatiling may pinakamababang bilang ng COVID-19 cases

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang kanilang mabilis at mabisang aksyon kaya  nagawa nilang harapin ang pinakamalaking krisis sa henerasyon, ang COVID-19.

Matapos na magdeklara ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng State of Public Health Emergency noong Marso, agad tumalima ang pamahalaang lokal ng Ta­guig at isinailalim sa lockdown ang lungsod  -- isang agresibo at mabisang hakbang upang mahinto ang pagkalat ng COVID-19.

Kaagad na sinimulan ng lungsod ang mga inihandang programa na nakalatag na sa isang komprehensi­bong plano: pamamahagi ng stay-at-home packs, Libreng Sakay para sa mga health workers, Libreng Hatid at Sundo para sa mga may sakit, Telemedicine, qua­rantine facilities, testing, at pamamahagi ng ayuda sa iba’t ibang sektor ng komunidad.

Sa pamumuno ni Mayor Lino S. Cayetano, walang patid ang paglaban ng lungsod sa pandemya upang gawing ligtas ang siyudad at itaguyod ang buhay at kabuhayan ng bawat Ta­guigueño. Sa pagtatapos ng 2020, naging matagumpay ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa pagpapatupad ng mga programa nito laban sa COVID-19 at pagbibigay ng pag-asa sa  mga mamamayan ng Taguig.

Nagsagawa rin ang lungsod ng libreng PCR testing na umabot na sa 95,000.

Nagpagawa rin sila ng sariling Molecular Lab.

Dahil sa mga ito, nanatili ang Taguig na may pinakamababang aktibong kaso ng COVID.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with