_ngayon
^

Metro

Motorista patay sa ambush ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorista nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang sakay ng kanyang kotse sa Novaliches, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa biktima na kaagad na binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, nakatakas naman ang mga ‘di pa rin nakikilalang salarin, lulan ng isang ‘di naplakahang motorsiklo.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nabatid na dakong ala-1:40 ng hapon nang maganap ang krimen sa Sampaguita St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, sa Novaliches.

Ayon kay Patrolman Jayson Malvar, sakay ang biktima ng isang kulay gray na Nissan Almera at binabaybay ang nasabing lugar nang bigla na lang siyang tambangan ng mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo at kaagad na pinagbabaril.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis nang humarurot papatakas ang mga salarin bitbit ang mga baril na ginamit sa krimen.

Masusi naman nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin, gayundin ang motibo nila sa pagpatay sa biktima.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with