^
Kampo ng aktres na si Maine Mendoza, dumulog sa NBI
Una nang napaulat ang pagtanggi ni Mendoza na siya ang nasa video scandal subalit kamukhang-kamukha umano niya ito kaya siya kinilabutan nang mapanood.
Maine Mendoza via Twitter

Kampo ng aktres na si Maine Mendoza, dumulog sa NBI

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2020 - 12:00am

Sa pekeng video scandal

MANILA, Philippines — Dumulog kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang  kampo ng Kapuso celebrity na si Maine Mendoza para paimbestigahan ang kumakalat na video scandal sa social media.

Nagtungo ang abogado at ang ina ng aktres kay NBI Cyber Crime Division chief Victor Lorenzo para maghain ng reklamo.

Una nang napaulat ang pagtanggi ni Mendoza na siya ang nasa video scandal subalit kamukhang-kamukha umano niya ito kaya siya kinilabutan nang mapanood.

Pati ang manager ni Mendoza ay una nang naglabas nang pahayag at sinabing peke ang naturang sex video at halatang minanipula o inedit .

Nais din nilang mapanagot ang responsable sa video, na naka-apekto sa imahe ni Mendoza.

Sinabi naman ni Lorenzo, magsasagawa sila ng imbestigasyon hinggil sa naturang video. Naalarma ang aktres nang i-share ng netizen sa Twitter noong Disyembre 22, 2020 ang screenshot ng nasabing video scandal.

Nakiusap din ang management ng  All Access To Artist, Inc., sa publiko na huwag nang i-post, i-share o ipakalat pa ang video dahil handa silang magsampa ng kaukulang demanda laban sa gagawa pa nito.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with