^
Empleyado ng DOJ, tiklo sa kotong
Prinisinta ng NBI si Louie Musni Miranda, contractual employee ng DOJ matapos mangotong sa mga broker sa Bureau of Customs (BOC).
KJ Rosales

Empleyado ng DOJ, tiklo sa kotong

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang contractual na empleyado ng Department of Justice (DOJ) dahil sa pangongotong umano ng tig-P1 milyon sa mga broker ng Bureau of Customs (BOC) bilang pasalubong sa bagong pinuno nito.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge Eric Distor ang nadakip na si Louie Musni Miranda, nagpapakilala na alyas Miranda at tauhan umano ni retired PNP General Camilo Cascolan.

Ayon sa complai-nant na itinago ng NBI ang pagkakakilanlan, tumawag sa kaniya ang suspek at sinabing magiging bagong commissioner ng BOC si Cascolan. Siya umano ang naatasan na ma-ngolekta ng tig-P1 milyon na “pasalubong” para sa retiradong heneral.

Ito ay upang maging maayos ang kanilang shipments at kung hindi makapagbibigay ay magiging tig-P10 milyon kapag pinaabot pa ng Enero 2021.

Nagawa namang makipag-ugnayan ng complainant kay Major Camilo Cascolan Jr., hepe ng BOC-Enforcement and Security Services (ESS) at kapatid ni Gen. Cascolan.  Dito sinabi ng batang opisyal na walang ganung utos ang kaniyang kuya.  Mismong si Major Cascolan na ang nakipag-ugnayan sa NBI para madakip ang suspek.

Nadakip sa entrapment operation si Miranda matapos na abutin ang P1 milyong marked money na nakalagay sa isang paper bag.

Sa background check, isang contractual employee sa DOJ ang suspek at dati ring konektado sa BOC-Customs Intelligence and Investigation Services bilang job order employee mula 2016-2017.

BOC NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with