^
3 timbog sa pagdukot sa Chinese
Kinilala ang mga nadakip na sina Carlito Borbe Alcantara, 33; Joe-Anboy Tenmoso Barnobal, 43 at Toshimachi Masuoka Giolbert, 36.
STAR/ File

3 timbog sa pagdukot sa Chinese

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlo ang inaresto sa umano’y pagdukot sa isang Chinese na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Carlito Borbe Alcantara, 33; Joe-Anboy Tenmoso Barnobal, 43 at Toshimachi Masuoka Giolbert, 36.

Nakilala naman ang dinukot na biktima na si Ning Yuanqiang, 21.

Nabatid na naglalakad lang si Yuanqiang sa may Seaside Blvd. dakong alas-6 ng gabi nang tutukan siya ng baril at sapilitang isakay ng mga suspect sa isang Toyota Hi-Ace van.

Habang tumatakbo ang van sa eastbound lane ng NAIA Expressway ay humingi ng tulong ang biktima sa dalawang Skyway Patrollers na humabol sa kanilang sinasakyan hanggang sa masukol ang mga suspect.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagdukot sa dayuhan habang ang mga suspect naman ay nakapiit na sa Pasay City police.

POGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with