^

16 food rider nabiktima ng ‘prankster’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muli na namang namerwisyo ang mga prankster makaraang 16 na food delivery riders ang mabiktima ng hindi pa nakikila-lang suspect na umorder ng higit P1 libong halaga ng pagkain sa bawat rider kamakalawa ng hapon.

Sa social media post ng netizen na si Rome Vladimir Cuevas, nagulat na lamang siya nang dakong alas-3 ng hapon ay sunud-sunod na nagda-tingan ang mga motorcycle delivery riders sa kanilang lugar sa Paco, Maynila ngunit hindi mahagilap  ang umorder ng pagkain.

“Maawa naman kayo sa mga Food Panda/Grab Riders. Samin pa na address. Daming order a. Party??? May pa­rating pang iba,” ayon sa post ni Cuevas.

Sinabi pa niya na 16 na riders lahat ang may dalang duma­ting at bawat isa ay nagkakahalaga ng mula P1,700 hanggang P1,900 ang pagkain na inorder ng prankster.  Nang magkita-kita ang mga rider, tila alam na umano nila na nabiktima sila ng manloloko.

Upang tulungan ang mga riders, binili ni Cuevas at mga kapitbahay ang ilan sa pagkaing dala nila habang ang iba ay umalis na lamang at iaalok sa iba ang mga pagkain.

Hindi naman umano namilit ang mga riders na bilhin nila ang pagkain pero ilan sa kanila ay nagmakaawa na lamang para maibalik kahit ang kanilang ipinuhunan.

FOOD PANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with