^

Metro

P802 milyong ayuda, naibigay na sa PUV operators

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P802 milyong ayuda, naibigay na sa PUV operators
Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na hanggang noong Huwebes, ang operator ng 123,517 PUV units ay nakatanggap ng cash subsidy na may kabuuang halaga na P802,860,500.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Transportation (DOTr) na umaabot na sa mahi­git P802 milyon ang cash subsidy na naipagkaloob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicle (PUV) operators sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon sa DOTr, ang subsidiya ay direktang ipinagkaloob sa mga bus, jeepney at PUV operators na ang pangkabuhayan ay naapek­tuhan ng pan-demya.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na hanggang noong Huwebes, ang operator ng 123,517 PUV units ay nakatanggap ng cash subsidy na may kabuuang halaga na P802,860,500.

Nabatid na kabuuang P1.158 bilyon ang inilaan para sa cash subsidy sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act or Ba-yanihan 2.

“Tuluy-tuloy lang po ang pamimigay ng subsidiya sa mga PUV operators na lubhang apektado ang kabuhayan ng kasalukuyang pandemya. Patunay po ito sa nais ng pamahalaan na sila ay tulungang makabangon. Hindi po sila pababayaan habang dumaranas tayong lahat ng pandemya,” ayon pa kay Delgra.

Dagdag pa niya, ang ope­rators ng 17,612 PUV units ay makakatanggap naman ng cash subsidy sa mga susunod na araw.

Bahagi aniya ito ng P917,338,500 “obligated” fund para sa PUV operators.

Sinabi ni Delgra na ang naturang P917 milyon ay 79% ng total budget ng P1.158 bilyon na inilaan para sa cash subsidy.

Sa ilalim ng Direct Sub-sidy Program, bawat ope-rator ay bibigyan ng P6,500 kada PUV unit na nasa ilalim ng kanyang prangkisa.

Kamakailan lamang, sinabi ng LTFRB na P724 milyong cash subsidy ang ipinagkaloob sa mahigit 110,000 operators.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with