^

Metro

2 ‘tulak’, huli sa P1.3 milyong shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 �tulak�, huli sa P1.3 milyong  shabu
Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office ang mga susupek na sina Stephanie Jade Garcia, alyas Steph, 22 at Reiner Allan Borja, 25, sa rekla-mong paglabag sa setions 11 at 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mahigit sa P1.3 milyong shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspect na kabilang sa high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Pasay City Police, kamakalawa ng gabi.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office ang mga susupek na sina Stephanie Jade Garcia, alyas Steph, 22 at Reiner    Allan Borja, 25, sa rekla-mong paglabag sa setions 11 at 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi ng Biyernes nang ikasa ang buy-bust operation laban sa suspek na si Reiner.

Nakabili ng halagang P12,000 ng shabu ang poseur-buyer gamit ang boodle money at isang genuine P500 bill sa tapat ng bahay ni Reiner at doon ay kasama niya si Steph.

Sa puntong nagkapalitan na ng pera at droga ay dinakip na ang dalawa at nakumpiska sa kanila ang dalawang plastic ice bag na naglalaman ng 205.42 gramo ng shabu na may street value na P1,396,856.00, timbangan, at buy-bust money.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with