^

Metro

Lending collector pisak sa truck

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang collector matapos magulungan ng truck habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Balong Bato, Novaliches, Quezon City, kama­kalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakila-lang si Genaro Bernardino, 31, collector sa isang len-ding company na residente ng Quezon City.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Romeo Birog Jr., ng QC Traffic Sector 6, ang insidente ay naganap sa flyover ng Quirino Highway, Novaliches, sa lungsod.

Sinasabing na “off ba-lance” ang biktima kaya natumba ang sinasakyan niyang motorsiklo kaya nagulungan ito ng truck na siyang dahilan at agaran niyang kamatayan.

Nabatid na ang truck ay magdadala ng buhangin sa Novaliches proper nang bigla na lang may tumawag ng kanyang pansin tungkol sa naganap na pagkasagasa na hindi pala nito alam.

Pagbaba niya ng truck ay doon lang niya nalaman na may nabangga pala siya.

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with