^

Metro

Mga empleyado ng San Juan, nakatanggap na ng cash gift

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga empleyado ng San Juan, nakatanggap na ng cash gift
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Za­mora, maaari nang i-withdraw ng mga empleyado ang cash gifts ng mga ito dahil naihulog na ito ng lokal na pamahalaan sa kanilang ATM accounts.
STAR/File

MANILA, Philippines — Natanggap na ng mga empleyado ng San Juan City ang kanilang cash gift nga-yong taong ito mula sa lokal na pamahalaan.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Za­mora, maaari nang i-withdraw ng mga empleyado ang cash gifts ng mga ito dahil naihulog na ito ng lokal na pamahalaan sa kanilang ATM accounts.

Anang alkalde, P5,000 ang cash gift ng mga regular at contractual employees na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan.

Samantala, ang mga nagtrabaho naman ng mas mababa sa apat na buwan ay tatanggap rin naman ng cash gift.

Nabatid na ang mga nagtrabaho lamang ng tatlong buwan hanggang wala pang apat na buwan ay makakatanggap ng P2,000; P1,500 naman para sa mga nagtrabaho ng dalawang buwan hanggang wala pang tatlong buwan; P1,000 para sa mga nagtrabaho ng wala pang dalawang buwan hanggang isang buwan at P500 para sa mga nagtrabaho ng wala pang isang buwan.

“Sa ating mga mi­namahal na regular at contractual San Juan City Government employees, pwede niyo na po i-withdraw ang inyong mga cash gifts,” anunsiyo pa ni Zamora, sa kanyang social media account.

 

vuukle comment

CASH GIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with