4 timbog sa Valenzuela buy-bust
MANILA, Philippines — Apat na hinihinalang ‘tulak’ ang dinakip sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Daniel Yco Sr., 46, Juluis Taguines, 24, Ronel Galino, 31, kapwa residente ng Brgy. Ugong.
Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, dakong ala-1 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa NPC Road, Brgy. Ugong.
Agad na dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang undercover police na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.
Narekober sa mga suspek ang 3 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang ha-laga, buy-bust money, P400 bills at isang cellphone.
Nauna rito, bandang 6:30 ng gabi kamakalawa nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa Manotoc St. Brgy. Marulas si Francis Fabian, 21 ng Consta-bulary St. Commonwealth, Quezon City.
Ani SDEU investigator PSSgt. Carlito Nerit Jr., nakumpiska sa suspek ang aabot sa 10 gramo ng shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, P500 buy-bust money, P200 bill, dalawang cellphones at digital weighing scale.
- Latest