3 bata nalunod sa nakabukas na manhole
Nakilala ang mga nasawi na sina Dominique Nueva, 6; Reynan Sandag, 6 at Prince Almania, 8.
STAR/ File

3 bata nalunod sa nakabukas na manhole

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Trahedya ang sinapit ng tatlong bata na naglalaro lang at pawang nahulog sa isang nakabukas na manhole dahilan ng kanilang pagkalunod, kahapon ng hapon sa Taguig City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Dominique Nueva, 6;  Reynan Sandag, 6 at  Prince Almania, 8.

Sa ulat na ipinadala ni Taguig City Police chief, PCol Celso Rodriguez, naganap ang insidente dakong alas-12:40 ng hapon sa Arca South vacant lot sa may Anchor Street, Interchange, Brgy. Western Bicutan, ng naturang lungsod.

Nabatid na naglalaro sa lugar ang tatlong pas­lit nang mapadako sa manhole na nakabukas at pawang nalaglag sa loob na puno ng tubig.

Nagawa namang makasaklolo ang safety marshall ng Arca kasama ang mga tauhan ng Brgy. Western Bicutan rescue team at naiahon ang mga bata saka mabilis na isinugod sa pagamutan.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya upang mabatid ang tiyak na pangyayari sa pagkalunod ng mga paslit.  Inaalam rin kung may naganap na kapabayaan sa insidente at kung may posib­leng managot dito.

TRAHEDYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with