Minors bawal talaga sa malls â Metro Manila mayors
’Yung mga minors mataas ang resistensya niyan, malakas ang katawan kaya usually asymptomatic sila, kakain yan sa mall magtatanggal ng mask at kung may malapitan na vulnerable baka makahawa sila, puwede ring mahawa ang mga lolo at lola pag-uwi sa bahay,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia base sa paliwanag ng mga health experts.
AFP/Ted Aljibe

Minors bawal talaga sa malls – Metro Manila mayors

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinal na ang desisyon ng  mga alkalde ng Metro Manila na pagbawalan ang mga minors na may edad 17-taong gulang pababa na lumabas ng bahay kabilang ang pagpasok sa mga shopping mall maliban na lamang kung ‘essential’ ang kanilang pakay.

Ibinalita  ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia  na ang 17-0 na desisyon ng mga Metro Mayors ay ibinase sa rekomendasyon ng Philippine Pediatrics Society and Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines.

“’Yung mga minors mataas ang resistensya niyan, malakas ang katawan kaya usually asymptomatic sila, kakain yan sa mall magtatanggal ng mask at kung may malapitan na vulnerable baka makahawa sila, puwede ring mahawa ang mga lolo at lola pag-uwi sa bahay,” ayon kay Garcia base sa paliwanag ng mga health experts.

Ngunit hindi tulad sa dating inaprubahang polisiya na maaaring lumabas ng bahay ang mga nasa edad hanggang 15-taong gulang, sa bagong desisyon ng Metro Manila Council ay 18 hanggang 65-anyos lamang ang papayagan na lumabas ng bahay.

Maaari naman umanong lumabas ang mga nasa 66-anyos pataas at 17-anyos pababa kung ‘essential’ ang gagawin tulad ng pagbili ng mga pagkain, gamot, pagpapa-check-up sa doktor o dentista at maging ang pag-eehersisyo sa labas.

Sinabi ni Garcia na malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga opisyal ng barangay para maipatupad ang resolusyon ng MMC lalo na’t nakikitaan na marami nang mga bata ang nasa lansangan na nakaistambay na lamang. Tutulong din umano ang pulisya sa paninita at pagpapatupad nito.

Ito rin ang sinabi kahapon ni  DILG  Secretary Eduardo Año dahil na rin sa nananatiling epicenter  ng COVID-19  ang NCR sa Pinas.

Pinapurihan naman ni Año  ang mga Mayor dahil sa pagpupursigi na tuluyan nang maglaho ang virus sa kanilang nasasakupang lugar.

“It’s Christmas at ang tendency ng mga tao ay lumabas, mag-party... According to the health experts, hindi pa puwede ang mga bata dahil sila ang mga spreader ng disease,” pahayag ng Kalihim.

Pinapayagan lamang ang minors na makapunta sa malls kung  may  medical appointments doon.

Sinabi ni Año  na maglalagay ng dagdag na tauhan ang  Joint Task Force COVID Shield sa mga malls, mga pamilihan  at palengke para matiyak na natutupad ang health protocols doon. — Angie dela Cruz

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with