100 residente ng Marikina kumita ng tig-P3,000
Ang pagmomobilisa ng 100 residente ay bahagi ng inisyatibong cash-for-work program ni Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez para linisin ang makapal na putik at sangkaterbang basura sa mga kalye sa komunidad ng Brgy. Malanday ng lungsod sa loob ng 3 araw.
Walter Bollozos

100 residente ng Marikina kumita ng tig-P3,000

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

Sa paglilinis ng basura ni ‘Ulysses’

MANILA, Philippines — Nakatanggap ng tig-P3K bawat isa ang nasa 100 residente sa lungsod ng Marikina matapos makilahok sa paglili­nis ng toneladang ba­sura na iniwan ng bagyong Ulysses.

Ang pagmomobilisa ng 100 residente ay bahagi ng inisyatibong cash-for-work program ni Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez para linisin ang makapal na putik at sangkaterbang basura sa mga kalye sa komunidad ng Brgy. Malanday ng lungsod sa loob ng 3 araw.

Ang Brgy. Malanday  ay isa sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagragasa ng baha  sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 12.

Ayon kay Romualdez, ang isinagawang 3 araw na clean up drive ay pinangasiwaan ng  Tingog volunteers sa pakikipagkoordinasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid pa na sa ilalim ng cash for work program, ayon pa kay Romualdez ay ang pagtatanim ng mga natata­nging punongkahoy, organic gardening, paglilinis ng mga daluyan ng tubig at mga baradong kanal, clean-up sa mga komunidad, pagtatayo ng mga toilets, rehabilitasyon ng river banks , farm to market road at iba pa.

ULYSSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with