Travel time sa EDSA bumilis – MMDA

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) General Manager Jojo Garcia ang pagtatanggal sa mga U-turn slots sa EDSA para bigyang-daan ang EDSA Busway Project na nagresulta umano ng pagbilis ng ‘travel time’ kumpara noong 2019.

Sinabi ni Garcia na bagaman nakakaramdam ng pagbigat ng trapiko ngayon sa EDSA, mas mabilis pa rin ito sa average na 25-30 km/hr kumpara noong 2019 sa kaparehong buwan na may takbo lamang na 7-9 km/hr na tila malaking parking lot ang EDSA.

Isa pa sa naging magandang epekto ng pagsasara ng U-turn slots, bumilis ang takbo sa busway ng mga bus kung saan gumugugol na lamang ng 45 minuto mula Monumento hanggang Ayala ang mga pasahero na dating tumatagal ng hanggang tatlong oras.

Binigyang-diin ni Garcia na prayoridad ng MMDA na mapabilis ang biyahe ng mga komyuters kaysa sa mga sasakyan lalo na’t siksikan sila sa loob ng bus, hindi magkakakilala at malaki ang panganib na magkahawahan kung matagal na magkakasama. “Priority natin is to move people not vehicle, mas maraming makabiyahe mas magagamit natin ng tama ang ating mga kalsada,” ayon kay Garcia.

May plano naman na maglagay ng U-turn slots sa ilang bahagi ng EDSA kung saan maglalagay ng ‘elevated busway’ at ang ilalim ang gagawing U-turn. Kabilang sa bibigyang prayoridad ang kahabaan ng Balintawak hanggang Quezon Avenue na maaaring lagyan ng isa hanggang dalawang U-turn slots. Kaya umano itong matapos sa loob ng tatlong buwan kung malalaanan na ng pondo ng Department of Transportation (DOTr).

Samantala, pinag-aaralan pa rin umano ng MMDA ang panawagan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na ibalik na ang number coding at truck ban dahil sa mabigat na trapiko ngayong Disyembre.  Sinabi ni Garcia na nasa 60-70% pa lamang ang mga sasakyang lumalabas sa kalsada.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with