Minors âdi pa rin puwede sa malls-MMDA
Ito ang nalinaw kahapon sa isinagawang press briefing ng Metropolitan Manila Development Authority.
AFP/Ted Aljibe

Minors ‘di pa rin puwede sa malls-MMDA

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananatiling hindi pa papayagan ang mga menor-de-edad na pumasok sa mall kahit pa kasama ang mga magulang.

Ito ang nalinaw kahapon sa isinagawang press briefing ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay General Manager Jojo Garcia na nagkasundo ang Metro Manila mayors na maghintay muna sa ibibigay na opinyon ng Philippine Pediatric Society kung luluwagan na ang restriction sa edad ng mga batang maaring makapasok sa shopping malls.

“We have consulted with Dr. Joselyn Alonzo-Eusebio, President of the Philippine Pediatric Society on this matter. We will await their opinion, based on facts,” ani Garcia.

Inaasahang magsusumite ang PPS ng ‘facts’ kahapon o hanggang ngayong araw bago sila magpatawag ng emergency meeting para pagbotohan.

“Once it is submitted, we will call for an emergency meeting with the Metro Manila mayors. We will discuss and vote on it,” dagdag pa niya.

Habang hindi pa nakakapagdesisyon ang MMC, status quo muna ang restriction.

“For now, persons aged 18-65 are allowed to go out in areas under general community quarantine, except for accessing essential goods and services,” paglilinaw ni Garcia.

Una nang hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan nang maisama sa pagtungo sa mga mall ang mga menor-de-edad na 7-taong gulang pataas sa layuning makabangon ang ekonomiya ngayong kapaskuhan.

MALL MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with