Higit 100K operator ng PUVs nakatanggap na ng ayuda – LTFRB

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 110,000 mga operator ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng bus at jeep ang nakatanggap na ng ayuda mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay LTFRB Marti Delgra, may P724, 516,000 cash aid na ang kanilang naipalabas sa mga passenger vehicle operator mula nang simulan ang pagkakaloob ng subsidies noong Lunes sa ilalim ng Direct Cash Subsidy Program ng Bayanihan 2 ng pamahalaan. Ang programa ay may halagang P1.158 bilyon.

Anya magpapatuloy ang pamamahagi nila ng ayuda sa mga naapektuhang mga operator ng pampublikong bus at mga jeepney at patunay lamang ito na determinado ang pamahalaan na matulungan ang mga operator na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

May P6,500 ang naipagkakaloob sa bawat operator ng PUV unit.

Ayon kay Delgra may P434,060,000 pa ang takdang ipamahagi ngayong linggo sa mga operator habang ang P48,106,500 ay ibibigay sa mga operator na may non-LBP account.

Batay sa LTFRB, ang mga benepisyaryo ng programa ay mga operator ng Public Utility Buses, Point-to-Point Buses, Public Utility Jeepneys, Mini-Buses, UV Express, at FilCabs na apektado ng pandemic ang kabuhayan.

DOTR LTFRB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with