Kaso ng leptospirosis, lumobo
Pinaniniwalaan naman na ang paglobo ng kaso ng leptospirosis ay dahil sa mga naranasang pagbaha sa ibat-ibang dako dala ng sunud-sunod na bagyo.
AFP/Ted Aljibe

Kaso ng leptospirosis, lumobo

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Dahil sa naranasang mga pagbaha

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng 78  kaso ng leptospirosis sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City kahapon.

Pinaniniwalaan naman na ang paglobo ng kaso ng leptospirosis ay dahil sa mga naranasang pagbaha sa ibat-ibang dako dala ng sunud-sunod na bagyo.

Bunga nito, bina­laan ni Dr. Rose Marie Liquete, Head ng NKTI ang publiko na agad magpatingin sa doktor  kung makakaranas ng  sintomas ng sakit  tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, pa­nginginig, muscle pain, pagsusuka, paninilaw ng balat at mata, pamumula ng mata, pagtatae at rashes upang maagapan malunasan ang sakit.

Ani Liquete, kung hahayaan lamang ang mga makikitang sintomas ay maaari itong humantong sa acute kidney o liver failure at maging respiratory failure.

Anya, maiiwasan ang leptospirosis kung iiwasan ang pagbabad sa maruming tubig na maaaring nahahaluan ng dumi ng daga na pinagmumulan ng naturang sakit.

Kalimitang dumarami ang kaso ng Leptospitosis kapag may mga pagbabaha sa lugar at mabababad dito ang mga tao lalo na yaong may mga sugat na mabilis mapasukan ng naturang virus.

Anya ang kalinisan ng kapaligiran ang susi upang makaiwas ang bawat isa sa naturang sakit .

NKTI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with