Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City
“We appreciate the continuous support of Project Ark in our battle against COVID-19. This initiative complements our testing efforts as we slowly gear towards revitalizing our economy,” dagdag ni Mayor Joy Belmonte.
The STAR/Michael Varcas

Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

QUEZON CITY, Philippines — Nakinabang sa ­libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat  na  private at public markets sa  Quezon City sa pakikipagtulungan ng  Project Ark.

Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito ay agad na nailipat sa  community care facilities.

Pinasalamatan naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang Project Ark, isang private sector initiative,  sa pakiki­pagtulungan sa LGU na maibsan ang pandemic sa lungsod.

“We appreciate the continuous support of  Project Ark in our battle against COVID-19. This initiative complements our testing efforts as we slowly gear towards revitalizing our economy,” dagdag ni Belmonte.

Ayon kay City Health Department (CHD) Chief Dr. Esperanza Arias ang pooled testing ay akma sa malalaking grupo . Anya ang  samples mula sa pooled tested individuals ay agad dinadala sa  laboratories  ng  Lung Center of the Philippines (LCP) at sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Ayon kay Belmonte na sa ilalim ng partnership sa Project Ark na may halagang  P4.5 million, maaari itong sumuri ng mahigit 4,000 katao.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with