U-turn sa EDSA - Bagong Barrio isasara

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang pagsasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga U-turn slots kung saan isusunod ang pagtanggal sa EDSA-Bagong Barrio U-turn slot sa Caloocan City sa darating na Disyembre 7.

Ang pagsasara ng naturang U-turn slot ay bahagi pa rin ng pagbibigay-daan sa mabilis na biyahe ng EDSA Busway project.

Sa mga maaapektuhang motorista, ipinayo ng MMDA ang pag-detour sa: mula northbound patu­ngong southbound, maaaring umikot sa Monumento Circle habang ang mga galing ng Quezon City ay maaaring gamitin ang Cloverleaf.

Inumpisahan ang unti-unting pagsasara ng mga U-turn slots para sa EDSA Busway project nitong Setyembre na lumikha ng pagkalito at pagbigat ng trapiko sa mga apektadong motorista na regular na gumagamit nito.

Ngunit katuwiran ng MMDA, kailangan na magsakripisyo at makasanayan na ng mga motorista ang saradong U-turn slots para sa mas mabilis na biyahe naman ng mga pampublikong bus at makarating ng mabilis ang mga pasahero sa kanilang destinasyon.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with