MRT-3, balik-operasyon na ngayong araw
Mahabang pila ng mga pasahero ang nasumpungan kahapon sa Bus carousel sa Kamias-Kamuning station sa EDSA sa Quezon City matapos ang tatlong araw na shutdown na ipinatupad ng Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa isinagawang rehab at maintenance activities. Simula ngayon ay balik na uli ang operasyon nito.
Kuha ni Boy Santos

MRT-3, balik-operasyon na ngayong araw

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Balik-operasyon na ngayong araw, Disyembre 1, ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ito’ matapos na magpatupad ng tatlong araw na shutdown nitong long weekend upang magbigay-daan sa pagsasaayos ng mga turnouts sa Taft Avenue station sa Pasay City.

Dahil dito, makakapagsakay nang muli ang mga tren ng MRT-3 ng 30% ng passenger capacity nito, na mayroong 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.

Ayon sa MRT-3, ang unang biyahe ng mga tren mula sa North Avenue station, sa Quezon City ay alas- 4:37 ng madaling araw habang alas-5:17 ng madaling araw naman mula sa Taft Avenue station.

Matatandaang nagpatupad din ng weekend shutdown ang linya noong Nobyembre 15 at 16, upang magbigay-daan sa pagsasaayos ng mga turnouts sa 2A at 3C sections ng parehong istasyon.

Nabatid na makatutulong ang pagpapalit at pagsasaayos ng mga turnouts sa pagpapataas ng bilis ng mga tren sa 60kph ngayong Disyembre.

Anang MRT-3, upang masigurong ligtas ang mga pasahero, mahigpit na ipinatutupad na “7 Commandments” sa loob ng mga tren.

Ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan, dapat na laging magsuot ng face mask at face shield; bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; bawal kumain; laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV; laging magsagawa ng disinfection; bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at laging sundin ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).

Ang MRT-3, na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue sa Pasay City at North Avenue, Quezon City. 

 

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with